Breaking Updates!

Showing posts with label PBB. Show all posts
Showing posts with label PBB. Show all posts

Thursday, April 8, 2010

Kabataang Pinoy, Magtatagisan sa Muling Pagbubukas ng Bahay ni Kuya!

Lalong mag-aapoy ang tag-init sa pinakabagong edisyon ng pinakatinututukang programa ng bayan, ang Pinoy Big Brother (PBB).  Sa darating na Sabado, (Abril 10) magsisimula ang PBB Teen Clash of 2010 pero ngayon pa lang, excited na ang lahat sa mga bagong surpresa at mas matitinding pasabog ni Kuya.

Di nagpapahuli sa kasiyahan ang mga hinahangaaang hosts ng programa, sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez.  Maliban sa bagong proyektong ito, masaya rin ang tatlo sa muli nilang pagsasama-sama.

Ayon nga kay Toni, “’Pag kasama ko sina Mariel at Bianca, parang di kami nagtratrabaho.” Dugtong ni Bianca, “It doesn’t feel like work at all kung kasama mo ‘yung mga bestfriends mo na halos sisters mo na talaga.” Sabi naman ni Mariel, “Iba yung bonding namin pag-PBB kami!” Maliban sa mga hosts, pinag-uusapan rin ng taumbayan ang kakaibang gimik ni Kuya sa edisyong ito.  Kung ang “plus” sa “PBB Teen Plus” ay ang pagtira ng mga guardians kasama ng mga teen housemates, at ang “double” sa “PBB Double Up” ay ang dalawang bahay at sari-saring “double up” twists na bumubulaga sa viewers linggo-linggo, pinag-uusapan na rin kung ano ang ibig sabihin ng “Clash” sa Teen Clash of 2010.

May mga hula na ang “Clash” ay ang pagbabalik-bahay ng mga ex-teen housemates, mayroon ding nagsabi na may iba't ibang challengers ang mga makikipag-clash sa mga teen housemates every week.  Maging ang mga hosts ay may kanya-kanyang spekulasyon.  “Di naman puwedeng clash with parents, nagawa na ‘yon”, bahagi ni Mariel, “Baka magkaroon ng clash of cultures.” “When you say clash, pagbabanggain.  Siguro, pagsasamasamahin ‘yung mga pareho ang ugali”, ayon kay Toni.  Hula ni Bianca, “Feeling ko, may factor s’yang boys vs girls.  Magiging fun ‘yon sa mga manonood.  May team boys, may team girls.” Malalaman na kung ano ang ibig sabihin ng “clash” at makikilala na rin ang higit sa labing-dalawang teen housemates sa espesyal na kick-off na tinatawag na “Let the Clash Begin.” Very teen at very hip ang konsepto ng programa na siguradong ikakatuwa ng kabataan at maging ng buong pamilya.  Abangan rin ang espesyal na performances nina Yeng Constantino, ang teenage performing group na Miles, ang mga bagong crush ng bayan, ASAP XV's A-POP na binubuo nina Jaco Benin, Young JV and Sam Concepcion, at ang mga child wonders na sina child wonders Bugoy Cariño and Izzy Canillo.

Sumama sa pagsalubong sa mga bagong housemates.  Pumunta sa harap ng bahay ni Kuya sa Sabado (Abril 10), 7pm ng gabi.  Mapapanood naman ang “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010: Let the Clash Begin” 10pm sa ABS-CBN.

Wednesday, April 7, 2010

Haka-hakang Teen Housemates, KILALANIN!

Sa mga nakaraang mga araw ay kumakalat na sa internet ang mga diumano'y photos ng mga pasok na Teen Housemates sa upcoming edition ng Pinoy Big Brother na pinamagatang: Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010!
Halina't kilalanin natin sila!

 Vim Abrenica (Brother of GMA 7's Aljur Abrenica)


 Remcon Christlove Briones (Eslove Briones)


 Luis Hontiveros


UNNAMED Binatang Ama


UNNAMED Naughty Girl



Akiko Ruiz, Chinita Chicks ng Parañaque


Andre Endique, Pinoy F4?


Aimee Blandine, Pianist


Ivan Dorschner


RJ Faulkerson, Half Pinoy Half Spanish ng Sta. Rosa, Laguna



Razilee Jean Dizon


Tricia Bratinella



Kung totoo man na may papasok sa kanila sa Bahay ni Kuya ay atin na lamang subaybayan ang bawat galaw nila upang ating malaman kung paano nga ba nila kikilalanin ang kanilang sarili sa isang bahay ni puno ng tensyon at iba't ibang klaseng CLASH!

04.10.2010
9:45pm after MMK

Saturday, April 3, 2010

PBB: Prinsipe ng Masa, Biyernes Santo Homecoming sa Mindoro!

Sa kasalukuyan ay nasa Mindoro na sina Melai at Jason, syempre kasama si Dengue para bisitahin ang pamilya, friends and mga kababayan ni Jason! Ang saya saya! Parang pamanhikan na di ba? Hehehe!

Kani-kanina lang, nagpa-parlor games ang dalawa sa bahay mismo ni Jason. Kaya ang mga tao dun, owver owver sa happiness!

Mukhang tired ang prinsesa at prinsipe... at si Baby Dengue! Sa picture na ito, binisita naman nila ang school ni Jason sa Mindoro! Astig!

Marami pang kapana-panabik na kaganapan sa pag-uwi ng dalawa sa kani-kanilang probinsiya! Ang lahat mapapanood po sa Melason in da City, na magsisimula na sa Lunes, 10Am : Monday-Friday!

Pero syempre, ang simula ng mga owver, owver na pangyayari sa dalawa, mapapanood sa The Buzz sa Sunday! Don't miss their engkwentro with Mr. Robin Padilla!

Friday, March 26, 2010

PBB: PBB Teen Clash of 2010 Official Logo and PBB Seasons official logo


Sorry dun sa PBB Seasons logo, I was sleepy when I made that. Kaya hindi smooth yung pagkakagawa. Per pwede na rin siguro pagtyagaan? :) haha!

Thursday, March 25, 2010

Thursday, March 18, 2010