Lalong mag-aapoy ang tag-init sa pinakabagong edisyon ng pinakatinututukang programa ng bayan, ang Pinoy Big Brother (PBB). Sa darating na Sabado, (Abril 10) magsisimula ang PBB Teen Clash of 2010 pero ngayon pa lang, excited na ang lahat sa mga bagong surpresa at mas matitinding pasabog ni Kuya.
Di nagpapahuli sa kasiyahan ang mga hinahangaaang hosts ng programa, sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez. Maliban sa bagong proyektong ito, masaya rin ang tatlo sa muli nilang pagsasama-sama.
Ayon nga kay Toni, “’Pag kasama ko sina Mariel at Bianca, parang di kami nagtratrabaho.” Dugtong ni Bianca, “It doesn’t feel like work at all kung kasama mo ‘yung mga bestfriends mo na halos sisters mo na talaga.” Sabi naman ni Mariel, “Iba yung bonding namin pag-PBB kami!” Maliban sa mga hosts, pinag-uusapan rin ng taumbayan ang kakaibang gimik ni Kuya sa edisyong ito. Kung ang “plus” sa “PBB Teen Plus” ay ang pagtira ng mga guardians kasama ng mga teen housemates, at ang “double” sa “PBB Double Up” ay ang dalawang bahay at sari-saring “double up” twists na bumubulaga sa viewers linggo-linggo, pinag-uusapan na rin kung ano ang ibig sabihin ng “Clash” sa Teen Clash of 2010.
May mga hula na ang “Clash” ay ang pagbabalik-bahay ng mga ex-teen housemates, mayroon ding nagsabi na may iba't ibang challengers ang mga makikipag-clash sa mga teen housemates every week. Maging ang mga hosts ay may kanya-kanyang spekulasyon. “Di naman puwedeng clash with parents, nagawa na ‘yon”, bahagi ni Mariel, “Baka magkaroon ng clash of cultures.” “When you say clash, pagbabanggain. Siguro, pagsasamasamahin ‘yung mga pareho ang ugali”, ayon kay Toni. Hula ni Bianca, “Feeling ko, may factor s’yang boys vs girls. Magiging fun ‘yon sa mga manonood. May team boys, may team girls.” Malalaman na kung ano ang ibig sabihin ng “clash” at makikilala na rin ang higit sa labing-dalawang teen housemates sa espesyal na kick-off na tinatawag na “Let the Clash Begin.” Very teen at very hip ang konsepto ng programa na siguradong ikakatuwa ng kabataan at maging ng buong pamilya. Abangan rin ang espesyal na performances nina Yeng Constantino, ang teenage performing group na Miles, ang mga bagong crush ng bayan, ASAP XV's A-POP na binubuo nina Jaco Benin, Young JV and Sam Concepcion, at ang mga child wonders na sina child wonders Bugoy Cariño and Izzy Canillo.
Sumama sa pagsalubong sa mga bagong housemates. Pumunta sa harap ng bahay ni Kuya sa Sabado (Abril 10), 7pm ng gabi. Mapapanood naman ang “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010: Let the Clash Begin” 10pm sa ABS-CBN.
0 comments:
Post a Comment